NEGROS OCCIDENTAL - Dead on arrival sa ospital ang isang hepe ng pulisya at apat pa ang nasugatan, kabilang ang provincial police director ng Negros Oriental matapos araruhin ng isang truck ang kanilang grupo habang nagmomotorsiklosa San Carlos City, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO), nakilala ang binawian ng buhay na si Lt. Col. Ruben Verbo, 44, taga-Brgy. San Jose Manjuyod, Negros Oriental at nakatalaga sa Guihulngan City Police Station.

Sugatan naman siCol. Germano Mallari, Negros Oriental Provincial Police director Col. Germano Mallari at tatlong kasamahan riders na sinaRichie Dayday; Edwardo Aceñas, 38, taga-Brgy. Junob, Dumaguete City; at Trifon Paltingca, 42, taga-Zamboanguita, Negros Oriental.

Nakakulong na ngayon ang driver ng 10-wheelertruck na siWendy Boy Nagor, 24, taga-Brgy. Kumaliskis, Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng truck (RNK-386) na minamaneho ni Nagor ang palusong na Ecotourism national highway sa Sitio Buli, Brgy. Rizal nang mawalan umano ito ng preno hanggang sa araruhin ang kasalubong na grupo ni Verbo na pawang sakay ng kani-kanilang motorsiklo.

Nang hindi na makontrol ni Nagor ang truck ay bumaligtad ito sa kabilang linya ng kalsada.

PNA