Kabilang ang Boracay, Palawan at Cebu sa pumasok sa "25 Best Islands in the World" list ng New York-based magazine na Travel+ Leisure.

Naging sikat ang Boracay Island dahil sa puting buhangin nito at mapang-akit na paglubog ng araw.

Nasa ikasiyam na puwesto ito sa listahan ng nasabing magazine kung saan nakakuha ng iskor na 90.89.

Nabingwit naman ng Palawan ang ika-11 na puwesto sa iskor 900.81, dahil sa magagandang lawa nito, kabilang na ang El Nido.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Nakuha naman ng Cebu ang ika-16 puwesto sa iskor na 90.12 dahil sa mga pamosong makasaysayang landmark at kahanga-hangang beaches.

Nakopo rin ng Ischia, Italy ang pinakamataas na puwesto at ikalawa naman ang popular beach destination na Maldives.

Naagaw naman ng Bali ang ikatlong puwesto sa listahan ng travel magazine habang ang Phuket (Thailand) na kabilang sa Top 10 ay nasa ikapito.