Hindi raw pinalagpas ng mga boss ng GMA Network ang mga kumalat na isyu ukol sa umano’y “pamamakla” ni Kapuso hunk Jeric Gonzales, sey ni Cristy Fermin.

Kasalukuyang talent ng Sparkle GMA Artist Center si Jeric sa pangangalaga ni Johnny Manahan.

Sey ni Cristy sa kaniyang programa sa YouTube nitong Huwebes, “ipinatawag ng mga boss ng network ng GMA” ang aktor at kinompronta na nga ito ukol sa pagkakadawit niya sa mga “kuwento ng pamamakla.”

“Tapatin na natin. Wala namang ibang isyung kinakapit dito kay Jeric kundi ‘tong pamamakla. Ang pinakahuli, ‘yung lumabas pa kasing mga litrato,” diretsahang paglalahad ni Cristy.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tinutukoy ng showbiz columnist ang mabilis na pagkalat ng mga larawan ni Jeric sa social media kasama ang isang ‘di pinangalanang lalaki noong Hunyo.

Makikita sa mga litrato ang tila kalambingang lalaki si Jeric na suot pa ang tila magkaparehong singsing.

Basahin: Kumakalat na malisyosong litrato umano ni Jeric Gonzales, usap-usapan; anong sey ni Rabiya? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nakapag-screenshot din ang mga netizen ng litrato ni Jeric sa IG na kahalintulad ng relo nito sa relo ng lalaki sa mga larawan.

Nanatiling tikom sa isyu si Jeric ngunit ilang netizens naman ang dumepensa sa aktor at sinabing para sa isang indie film ang nakunang mga tagpo sa mga inintrigang viral photos.

Basahin: Viral photos ni Jeric Gonzales na nilagyan ng malisya, kuha raw sa indie film – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dagdag naman na komento ni Cristy, hindi umano madaling mag-alaga ng isang talent na nasasangkot sa isang isyu.

“’Yang kay Jeric, lagi na lang siyang nakakaladkad sa isyu ng pamamakla. Ginagastusan ka ng network. Ginagawa nila ang lahat para sa promosyon pagkatapos ang ginagastusan nila sa promo [ay] palaging nalalagay sa intriga at hindi pa kagandahan ang isyu,” pagpapatuloy ni Cristy.

“Kaya dapat lang siyang ipatawag, labhan at banlawan. Totoo ‘yan,” sey ng showbiz columnist.

Matatandaan din noong Hunyo ang napabalitang pagkakalabuan ni Jeric at ng rumored girlfriend nitong si beauty queen-turned-actress Rabiya Mateo na ani Cristy ay ‘di umano kinagat ng madla.

Basahin: Rabiya at Jeric, nag-unfollow na raw sa isa’t isa sa IG; nagkakalabuan na ba? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Umingay ang pangalan ni Jeric Gonzales dahil sa isyu ng pamamakla,” sey muli ni Cristy na dahilan umano ng pagkompronta na sa kaniya ng mga boss ng network.

“Ang tanong na lang ngayon, hanggang kailan maililihim ni Jeric Gonzales ang kaniyang mga pagsa-sideline?” hirit na tanong ni showbiz columnist bago nagtapos sa kanilang chikahan ukol sa aktor.

Wala pang reaksiyon ang aktor ukol sa isyu.