Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Barangay Iyam, Lucena City, Quezon nitong Biyernes ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Quezon Medical Center si Jose Rizo, nasa hustong gulang, at taga-Barangay Isabang, Lucena City, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Sa police report, naglalakad si Rizo sa gilid ng riles nang mabangga ito ng tren na patungong San Pablo City na nagmula sa Lucena City station, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ang nasabing tren ay minamaneho ni Aldren delos Santos nang maganap ang insidente, ayon sa pulisya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naiulat na tumilapon sa gilid ng riles si Rizo at agad itong isinugod sa ospital. Gayunman, namatay din ito matapos ang ilang oras.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban kay delos Santos.