Pinagbigyan ng aktres na si Ciara Sotto ang subscribers ng kaniyang YouTube channel na magsagawa siya ng “Q&A” na umere noong Hulyo 9, 2022.

Isa sa mga natanong sa kaniya ay kung paano niya hina-handle ang insidente ng “cheating” o panloloko ng isang partner sa kaniyang kasintahan o asawa.

Diretsahang sagot ng anak nina dating Senate President Tito Sotto III at aktres na si Helen Gamboa, " “I can’t deal with cheating. If the guy cheats, goodbye. Bigay n’yo na sa kanila kung ayaw niya sa’yo. Kung ayaw na nila sa’yo, bye!"

"Kung gusto na nila umalis, ihatid sa pintuan palabas. Sipain mo pa! Joke lang!” pabirong hirit pa ni Ciara.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mukhang malalim ang hugot dito ni Ciara dahil noong Hulyo 2021 ay naghiwalay sila ng kaniyang dating mister na si Jojo Oconer, dahil raw sa third party.

Sa ngayon daw ay masasabi ni Ciara na nasa estado sila ng pagiging magkaibigan. Napatawad na raw niya ito. Ginawa niya ang pagpapatawad para magkaroon ng kapayapaan sa kaniyang puso. Isa pa, alang-alang din sa kanilang anak na si Crixus.

“We’re friends, we’re really, really good friends. As in friends that, you know, we can see each other anytime, call each other anytime. Napatawad ko na siya… It’s really hard if you harbor unforgiveness in your heart. I mean, when you forgive someone, you do it for yourself, it’s not for the person…It doesn’t get the person off the hook."

"I mean, whatever that person does, it’s already his problem… yeah, it’s always best to forgive and I do not want my son to grow up knowing he has a very unforgiving mom… we’re friends…"

Pangako ni Ciara, baka i-guest niya sa kaniyang vlog ang dating mister.