Ipinaliwanag ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon kung bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol niya sa dalawang kasambahay na umano'y pinalayas at hindi pinasuwelduhan ni actress-beauty queen Ruffa Gutierrez, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Hulyo 13.

Marami kasing nagtataka kung paano humantong sa bardagulan sina Rowena at kampo ni Ruffa, kasama na ang inang si Annabelle Rama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/popcorn-please-salpukang-annabelle-at-rowena-inaabangan-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/07/12/popcorn-please-salpukang-annabelle-at-rowena-inaabangan-ng-mga-netizen/

Paliwanag ng dating komisyuner, kababayan niya ang dalawang kasambahay na pareho niyang nagmula sa lalawigan ng Negros.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kababayan ko po yung dalawang kasambahay mga taga-Negros din sila, inilapit sila sa akin at nagtiwala. Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong hindi ng ano pa man dahil dapat na mas pagmalasakitan natin ang mga walang boses," saad ni Rowena.

Screengrab mula sa FB/Rowena Guanzon

Samantala, sa pamamagitan ng tweet at opisyal na pahayag mula sa kaniyang abogado, pinabulaanan ni Ruffa ang alegasyon ng dating Comelec Commissioner. Wala aniya siyang sinesante dahil kusa umanong umalis ang dalawang kasambahay, dahil sa pang-aaway umano nila sa iba pang kasamahang naninilbihan sa kanila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/">https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/