Naloka at naaliw ang mga netizen sa unboxing ni Miss Universe 1969 at aktres na si Gloria Diaz ng kaniyang nagba-vibrate na 'personal toy', na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ng Miyerkules, Hulyo 13.

Ang naturang feminine toy ay nagba-vibrate at tila nagustuhan naman ng 71 anyos na beauty queen.

"Oh my gosh, oh my God," sey ni Gloria nang makita na niya ang device mula sa loob ng kahon. Maya-maya ay pinindot na niya ang turn on button upang masubukan kung gumagana. Mukhang maayos naman at walang sira dahil nagsimula na itong mag-vibrate.

"Oh… It vibrates very fine… and then faster… faster!" aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Grabe! Then just hold it tight, it dies. Jellytime ha, grabe, I love it."

"I thought I'm not kasali na eh. I'm very much kasali now. At least I can massage this and everything else. I love it! It's so cute!" review ni Gloria habang inilalagay ang device sa kaniyang mukha, pisngi, at leeg.

Natawa naman ang kaniyang anak na si Isabelle Daza.

"Hahaha yas mom," saad nito.

Nagbiro pa kay Gloria ang Commons founder na si Cliff Ho, "If you ever need a hand with it, I’m available anytime."

"I need a tutorial I don't know what this is," sey naman ni Sunniesface co-founder at modelong si Jess Wilson.

Ang naturang feminine toy ay mabibili sa online shopping app na Lazada.

Si Gloria Diaz ay kabilang sa cast member ng teleseryeng "2 Good 2 Be True" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, at iba pang social media platforms ng ABS-CBN. Mapapanood din ito sa online streaming app na Netflix.