Pinuri ni showbiz columnist na si Cristy Fermin si Kapuso star Bea Alonzo, sa isang episode ng kaniyang programang "Cristy Ferminute" kasama ang co-host na si Romel Chika.

Kapuri-puri daw si Bea dahil sa mahusay at wais nitong pag-iipon at pag-iinvest sa kaniyang perang pinagpaguran. Matatandaang tinedyer pa lamang ay sumabak na sa showbiz si Bea, hanggang sa maituring na ngang isa sa mga pinakamaningning na bituin ng kaniyang henerasyon.

Ayon kay Cristy, "Marami palang pupwedeng maging dahilan para hindi maging maganda ang panlasa ng marami kay Bea Alonzo. Sabihin na natin, o sige na nga, diretsuhin na natin, inggit na nga. Aba naman, itong batang ito nabantayan ang kaniyang kinikita. Kumikita na ngayon 'yung Beati Firma niya sa Zambales. Namumunga na ang mga itinanim nila do'n. Pangalawa, napaayos yung kaniyang bahay. Nakabili pa ng bahay sa Madrid, Spain."

Taliwas sa madalas na "pang-ookray" ng kasamahang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa panlabas na anyo ni Bea, puring-puri ni Cristy ang kagandahan ng aktres. Alagang-alaga umano ni Bea ang kaniyang alindog.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/28/panibagong-talak-ni-manay-lolit-kay-bea-hindi-na-mukhang-fresh-at-yummy/">https://balita.net.ph/2022/06/28/panibagong-talak-ni-manay-lolit-kay-bea-hindi-na-mukhang-fresh-at-yummy/

“Eh isipin mo naman, ang tindi naman ng puhunan ng batang ito. Napakaganda, sa edad niya ngayon, alagang-alaga niya ang kaniyang kagandahan. Tapos ang galing umarte. Inaabangan na nga natin yung proyekto nila ni Alden Richards, 'di ba? Yung 'Start-Up'.”

Isa pa raw na kapuri-puri kay Bea, hindi ito mapagpatol sa mga nang-iintriga at nang-nenega sa kaniya.

“Kaya tama lang ang ginagawa ni Bea, no to negativity. Wag pumansin ng mga nangne-nega. Alam mo yung mga nangne-nega iyon ang wala eh, iyon ang kulang. Iyon ang hindi secure kaya naghahanap sila ng bubwisitin."

Ano kayang masasabi rito ni Manay Lolit?