NUEVA VIZCAYA - Patay ang isang mag-asawa matapos pagsasaksakin ng kanilang anak na lalaki habang natutulog sa Kayapa, nitong Huwebes ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital sinaRuben Baltazar, 68, atNora Baltazar, 65, dahil sa mga saksak sa kanilang katawan.

Sugatan naman si Shayra Baltazar, 26, ayon sa pulisya.

Kaagad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Iryb, 28, na anak ng dalawang napatay at kapatid ni Shayra.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa bahay ng mga biktima at suspek sa Barangay Pampang, dakong 3:00 ng madaling araw.

Bago ang insidente, sinamahang matulog ng mag-asawa ang suspek sa sala ng kanilang bahay.

Gayunman, matapos ang ilang oras ay nagsisigaw na humihingi ng tulong ang mag-asawa.

“Bigla na lang nagwala ang suspek at pinagsasaksak ang kanyang nanay at tatay, dinamay ang kapatid na isa pa, habang ang isa pa na kapatid din na babae ay nakatakbo pa sa mga kapitbahay," ayon sa imbestigador.

Sa report ng pulisya, naaksidente ang suspek ilang buwan na ang nakararaan na nagresulta umano ng pagbabago ng ugali nito.

“Nabagok ang ulo ng suspek sa nangyaring aksidente at nag-iba na ang kilos," ayon pa sa pulisya.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa suspek.