Kasalukuyang nasa Santorini sa bansang Greece si Pia Wurtzbach kasama ang fiancé na si Jeremy Jauncy.

Ilang tagpo sa nakakalulang ganda ng bansa ang ipinasilip ng Pinay Miss Universe sa ilang Instagram updates.

Sa isang IG video, ibinahagi ni Pia ang tila veranda kanilang hotel kung saan makikita ang nakakalulang ganda ng Aegean Sea.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sa parehong Instagram update, malalamang ang hotel na Katikies Chromata Santorini, ang nag-akomoda sa celebrity couple.

Ayon sa isang tavel website, ang presyo ng naturang hotel bawat gabi ay pumapatak ng nasa P30,000 hanggang P36,000 para sa isang regular room na may 2 adult guests.

Hindi naman maiwasang mamangha ang kapwa celebrities sa bagong travel goals ni Pia na kilala sa kaniyang paglibot sa ilang dream destinations sa buong mundo.

Grabe!!! You get to go to so many beautiful places!!! ❤️❤️❤️” komento ng celebrity mom at TV host na si Iya Villania.

“Omgg wow!” saad naman ni Bianca Gonzales.

“Wow so dreamy,” komento rin ni Miss Universe USA 2018 Sarah Rose Summers.

Ayon sa ilang serye ng IG stories ni Pia, ang fiancé na si Jeremy ang travel buddy ng Pinay titleholder sa kasalukuyang Greece escapade.