Matapos magparinig sa isang di pinangalanang personalidad na posible umano niyang tawaging "pedophile", muli na namang nagparinig sa pamamagitan ng social media ang "Queen of Bardagulan" na si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/guanzon-hindi-umano-purveyor-ng-fake-news-may-pinatamaang-tatawaging-pedophile/">https://balita.net.ph/2022/07/12/guanzon-hindi-umano-purveyor-ng-fake-news-may-pinatamaang-tatawaging-pedophile/

Tungkol naman ito sa muling di pinangalanang personalidad, ngunit sa pagkakataong ito, ay sa nananalo umano ng award. Hindi raw lahat ng nanalo ay magaling, at ang iba raw ay "scam" lamang.

Dahil sa pagsambit nito ng "Gosh", sapantaha at ipinagpalagay ng mga netizen, na para ito kay actress-beauty queen Ruffa Gutierrez, na nag-Gosh! din sa cryptic tweet nito tungkol sa ilang mga nakapag-aral sa elite universities, subalit "asal-kanto" naman daw.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/asal-kanto-gosh-ruffa-may-pasaring-sa-ilang-mga-nag-aral-sa-elite-universities-pero-walang-manners/">https://balita.net.ph/2022/07/12/asal-kanto-gosh-ruffa-may-pasaring-sa-ilang-mga-nag-aral-sa-elite-universities-pero-walang-manners/

"JWU! Hindi lahat ng nanalo ng award, magaling, yung iba scam. Gosh!" saad ni Guanzon sa kaniyang Facebook post, Hulyo 12.

Cong. Rowena Guanzon
Screengrab mula sa FB/Rowena Guanzon

Sa isa pang parinig, sinabi ni Guanzon na mag-ingat ang lahat sa mga mapagpanggap na mabait subalit pa-victim.

"Beware sa taong kunwaring mabait, madrama at ngayon pavictim," aniya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi naman ni Guanzon na "Sana kung paano natin ituring ang mga malalaki ay ganun din sa mga maliliit na tao."

Screengrab mula sa FB/Rowena Guanzon

Sa isa pang tweet ay binanggit na niya ang pangalang "Ruffa".

"To Ruffa : take it !take it 'dai," aniya.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1547008253007376384

Panghuli, sinabi ni Guanzon na hindi umano dapat nang-aagaw ng award.

Inungkat naman ng mga netizen ang kontrobersiyang kinasangkutan noon ni Ruffa, sa 1994 Metro Manila Film Festival scandal kung saan ang nanalo umanong Best Actress ay si Ruffa at Best Actor naman si Gabby Concepcion, gayong ang talaga umanong nagwagi ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez.

Batay sa imbestigasyon, inamin umano ng talent manager ni Gabby na si Manay Lolit Solis na siya ang nasa likod nito.

Samantala, wala pang tugon dito si Ruffa.