Hindi napigilan ni Kapamilya actress Angelica Panganiban na ipahayag ang kaniyang kakaibang nararamdamang saya sa pagiging isang ina.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram post nitong Hulyo 12. Aniya, bigla na lamang daw siyang naiyak dahil sa pakiramdam na "kumpleto" na siya.

"Habang nakaupo sa binubuong nursery… bigla na lang akong naiyak.. napaka overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang-isip magbigay lang nang magbigay. Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala yung pagmamahal ng ina," pahayag niya.

"Abot langit ang pasasalamat sa lahat-lahat," dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Buntis si Angelica sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan, bagay na nauna munang lumabas bilang tsika.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako, [emojis]” mababasa sa Instagram post ni Angge kung saan makikita rin ang larawan at video ng kanyang ultrasound.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ‘ko kaiyaq pramis,” pagpapatuloy pa ni Angge.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/">https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

Patunay na proud na proud siya sa kaniyang kalagayan ngayon dahil sa kaniyang pagbalandra sa baby bump niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/22/angelica-panganiban-ibinalandra-ang-baby-bump/">https://balita.net.ph/2022/04/22/angelica-panganiban-ibinalandra-ang-baby-bump/

Handa umano si Angge na talikuran muna ang showbiz bilang paghahanda para sa pagiging asawa at ina.