Si Kapamilya actress Andrea Brillantes ang itinampok ni ABS-CBN news anchor Karen Davila sa kaniyang latest vlog na may pamagat na "Andrea Speaks up: On Love, Life, and Haters!" na umere noong Hulyo 9, 2022.

Isa sa mga naungkat ni Karen ang tungkol sa viral proposal ni Ricci sa kaniya, na maging nobya nito. Naging kontrobersiyal ito dahil ayon sa bashers, alam na raw iyon ni Andrea bago pa maganap.

Sey ni Andrea, hindi talaga niya alam na gagawin iyon ni Ricci sa mismong araw ng UAAP game; bagama't binigyan na niya ito ng "go signal" na puwede na siya nitong tanungin tungkol dito.

"Pero siyempre, hindi naman ako perfect, marupok ako…" natatawang sabi ni Andrea.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabihan pa niya ang noon ay manliligaw pa lamang na pagkatapos na lamang ng laro nito upang makapagpokus sa laban. Kahit hindi muna siya kausapin ay ayos lang.

Sa araw naman ng sorpresang proposal nito, inamin ni Andrea na ihing-ihi na siya ng mga oras na iyon. Nagulat na lamang siya nang kunin ni Ricci ang mikropono at naganap na nga ang kinakiligang proposal. Biglang nawala ang "call of nature" niya dahil sa matinding gulat sa ginawa ni Ricci, na nasaksihan ng madlang pipol sa buong SM MOA Arena.

"Nanginig ako eh… as in first time yung tuhod ko, nanlamig…" pag-amin pa ng aktres.

Wala raw talaga sa plano niyang mag-jowa ulit, dahil kagagaling lamang niya sa "biggest heartbreak". Nakaapekto rin kay Andrea ang sunod-sunod na isyung kinasangkutan niya kaugnay nito, gayundin ang pagkamatay ng kaniyang tita. Aniya pa nga, hindi talaga niya bet ang mga basketball player dahil sa stereotyping sa mga ito na "manloloko".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/andrea-hindi-inakalang-pupuntos-sa-puso-niya-si-ricci/">https://balita.net.ph/2022/07/12/andrea-hindi-inakalang-pupuntos-sa-puso-niya-si-ricci/

Noong Abril naganap ang naturang viral proposal na talaga namang pinag-usapan ng mga netizen.

"Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?" tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na 'YES' at 'NO'. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

"GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN," saad sa tweet ni Ricci.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/