Inanunsyo ni Unkabogable Star Vice Ganda na naghahanap ang kaniyang team ng TikTok content producer nitong Lunes, Hulyo 11, 2022.

"Bet mo bang maging part ng The Unkabogable Digital Team? Baka ikaw na ang hinahanap namin na Tiktok Content Producer! Apply na, mga vaklang twoah!"

"Send your CV and sample works sa [email protected]," ani Meme sa kaniyang social media post.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Magiging responsibilidad ng mapipiling TikTok content producer ang sumusunod: gumawa ng TikTok content, mag-shoot ng TikTok content sa set o mapipiling lokasyon, pag-edit nito gamit ang latest software, at maging updated sa social media trends.

Sa kwalipikasyon naman, kailangang maalam sa social media management, may familiarity sa digital content eco-system at internet trends, may expertise sa paggawa ng TikTok content, mabilis magtrabaho at kayang sumabay sa fast-paced environment, at "fun, witty, creative, and has chugug content ideas!"

Hindi naman nabanggit kung magkano ang suweldo at iba pang mga benepisyo kaugnay ng trabahong ito.