Tila may pinatututsadahan ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa kaniyang latest tweet ngayong Martes, Hulyo 12.

Sa pagkakataong ito ay para sa ilang mga nag-aral sa elite at prestihiyosong paaralan ang kaniyang pinatatamaan, subalit hindi naman niya binanggit kung sino ito, saang paaralan, at kung ano ang nag-trigger sa kaniya upang magpakawala ng ganitong cryptic tweet.

"Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag-aralan nga, asal kanto naman. Gosh…" sey ni Ruffa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Tingin ko mas ok yung asal kanto kesa yung may pinag-aralan ka na nga pero tanga-tangahan school of acting naman… char."

"Feeling kasi nila, sila na ang pinagpala sa lahat, kaya kung umasta, akala mo mga boss."

"Mas nakakahiya yung may pinag-aralan, may access sa education pero enabler ng mga sinungaling at magnanakaw. Pera- pera na lang."

"Mam may tawag kasi diyan, down-to-earth vis-a-vis Sosi. It depends on how one person carries him/her self and how others would perceive him/her to be. May basic manners naman ang buhay sa civilized world… halos ma-reach na lahat ng internet."

Nasa kontrobersiya si Ruffa ngayon dahil bukod sa pagganap niya bilang si dating First lady Imelda Marcos sa pelikulang "Maid in Malacañang", pinaratangan umano siyang nagpalayas ng dalawang kasambahay na hindi pa binabayaran. Tinawag ang atensiyon niya ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Naging dahilan naman ito upang makialam na rin ang nanay ni Ruffa, at ang itinuturing na "Original Queen of Bardagulan" na si Annabelle Rama. Bagama't walang binanggit na pangalan, natunugan ng mga netizen na para kay Guanzon ito. Nagpatutsada din sa tweet si Rowena nang magpakawala siya ng "Wait lang dayy!"

Ipinagtanggol naman ni Yap si Ruffa at nagpakawala rin ng pasaring.

"Hi Ruffa Good Morning… I know you are on your way to It's Showtime, just know that I am here, we are all here… let's make a content about it, sana may free time pa tayo," pahayag umano ni Yap.

Ang sumunod na talata ay tila pasaring ng direktor na hindi niya kilala ang umaaway kay Ruffa, kaya kinailangan pa umano niyang i-research ito, kagaya ng ginawa niya kay Blaster Silonga, ang miyembro ng bandang "IV of Spades" na nagpakawala ng malutong na mura sa kaniya.

"Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot."

Banat pa niya, "Sandali na lang ang buhay ng matatanda, kung dyan sya masaya, wag natin basagin ang trip nya."

Sa comment section ay makikitang nagkomento si Ruffa.

"I found a true friend in Direk Darryl Yap," aniya. Bumuhos din ang komento ng BBM supporters sa kaniyang post.

Samantala, tila nagparinig din naman si Guanzon sa kaniyang latest tweet nitong Martes, Hulyo 12.

"I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan," saad ng dating komisyuner.