Tila may pinasasaringan ang ina ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama sa kaniyang social media platforms.

Batay sa kaniyang sinabing "Day" (pinaiksing Inday) ay mukhang babae ang pinatutungkulan niya. Tinawag niya itong "chismosang Marites" at feeling "CCTV ni Ruffa".

Sinabihan pa niya itong magpokus na lamang sa sariling kaso kaysa pakialaman ang buhay ng anak.

Aniya, "Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo."

"Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??" hirit pa ni Bisaya.

https://twitter.com/annabellerama2/status/1546329871659384832

Suspetsa naman ng mga netizen, ang pinatutungkulan nito ay si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kamakailan lamang ay sinita si Ruffa dahil umano sa dalawang kasambahay na pinalayas nito kahit wala pang bayad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/">https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/

Bagay na pinabulaanan naman ni Ruffa at wala raw siyang pinapalayas na mga kasambahay.

"The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years)," saad ni Ruffa.

"Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting every day, all day, all night for #MAIDinMALACANANG - You should watch it BTW. You’re gonna love it,” dagdag pa.

Ipinagtanggol naman ng VinCentiments si Ruffa na baka ito raw ay "planta" lamang para guluhin si Ruffa, at manira para sa pelikulang "Maid in Malacañang".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/mga-kasambahay-ni-ruffa-na-umanoy-pinalayas-niya-pinasok-lang-sa-kaniya-para-daw-manggulo/">https://balita.net.ph/2022/07/11/mga-kasambahay-ni-ruffa-na-umanoy-pinalayas-niya-pinasok-lang-sa-kaniya-para-daw-manggulo/

Wala pang tugon si Rowena sa patutsada ni Annabelle.