Muli na namang naging usap-usapan ang pagmamalaki ni Kapuso actor-comedian Paolo Contis sa kaniyang mga dalang baon araw-araw sa tuwing may taping siya.

Pinasalamatan niya ang naghahanda nito sa kaniya, na itinago niya sa pangalang "my chef".

"Everyday shoot… Everyday baon… thanks to my chef..!!" aniya sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 8.

Apat na retrato ng iba-ibang klaseng putahe o ulam ang ibinida ni Paolo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Narito naman ang komento ng mga netizen.

"Sana all!"

"Pang tatlong tao sa dami yang ulam mo ah."

"Pakasipag naman niyang cook mo idol."

Tanong ng mga Marites, si Yen Santos daw kaya ang "chef" na tinutukoy ng komedyante?

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kanilang lambingan sa social media matapos siyang padalhan ni Yen ng kaldereta.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/">https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/

Humirit naman si Paolo ng adobo. Makalipas ang ilang araw, muling nag-post si Paolo ng retrato at pinasalamatan ang nagpadala sa kaniya ng requested na ulam, bagama't hindi niya binanggit kung sino ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/28/thank-you-babikwoooh-paolo-ibinida-ang-adobo-inunahan-ang-bashers/">https://balita.net.ph/2022/06/28/thank-you-babikwoooh-paolo-ibinida-ang-adobo-inunahan-ang-bashers/