Malutong na mura ang pinakawalan ng isa sa mga miyembro ng boy band na "IV of Spades" na si Blaster Silonga para sa direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap.

"Put*ngina mo Darryl Yap," tweet ni Blaster nitong Linggo, Hulyo 10.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

https://twitter.com/Bsilonga/status/1546048827039559680

Ito ay matapos lumabas ang panibagong video ng VinCentiments kaugnay ng pagsagot ni Ella Cruz sa kontrobersiyal niyang pahayag na "History is like tsismis" kasama si Senadora Imee Marcos.

Bagama't wala pang direktang tugon dito si Yap, makikita naman sa VinCentiments Facebook page ang screengrab ng tweet ni Blaster, at ang pasaring na tugon nito.

"Murahin ka raw po agad ni Direk, gino-Google ka pa raw niya."

"Willing to wait po?"

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Nagkomento naman dito si Roanna Marie na isa sa mga talent ng VinCentiments.

"Teka sino siyaaaaa" tanong nito.

Hindi na tumugon pa rito si Blaster.

Sa comment section ay bumaha na rin ng iba't ibang reaksiyon at komento tungkol dito.

Si Blaster ay isang Kakampink na tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang halalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/11/blaster-silonga-may-sagot-sa-mga-patutsada-ukol-sa-negative-campaigning-umano-ni-vp-leni/">https://balita.net.ph/2022/05/11/blaster-silonga-may-sagot-sa-mga-patutsada-ukol-sa-negative-campaigning-umano-ni-vp-leni/