DASMARIÑAS CITY, Cavite – Arestado ng Provincial Drug Enforcement Unit ang tatlong drug high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Salitran II noong Linggo, Hulyo 10.

Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang mga suspek na sina Alma Ichiburi, Elmer Sabater, at Jesusana Gonzales.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong large-size at isang medium-size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa street value na P680,000.

Narekober din ang isang piraso ng limang daang pisong bill at 18 piraso ng pekeng one thousand-peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nasa kustodiya na ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Carla Bauto Dena