Ikinaaliw ng netizens ang caught in the act na live performance ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa “Asap Natin ‘To” kamakailan nang muntik na itong kumanta nang hindi namamalayang nakabaliktad pala ang kaniyang mikropono.

Sa isang segment ng musical variety show, ka-duet ni Songbird si Jason Dy sa isang niyang sikat na kantang "In love With You" kasama si Jacky Cheung.

Habang kumakanta ng kaniyang verse si Jason, hindi namalayan ni Regine na nakabaliktad pala ang kaniyang mikropono hanggang sa ilang sandal na lang para sa kaniyang parte ng kanta.

Nakuhanan ang kuwelang behind the scenes na ito ng make-up artist na si Miko Dacanay na kaniyang ibinahagi sa TikTok.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sunod namang nagbigay ng kaniyang sariling reaksiyon si Songbird matapos irepost nito ang video sa kaniyang Instagram account.

“Minsan talagay ang life gagawa at gawa ng paraan para ibagsak ka sa earth no ??!! Yung sobra kang confident dahil alam na alam mo tong song na to bilang ni record mo to at ilang dikada mo na tong kinakanta eh. At pa smile smile ka lang oozing with confidence ka sa madaling salita ang yabang mo pa eh!!!! Tapos………… teh baliktad mic 🎤 mo BALIKTAD EH!!!!!! BALIKTAD TEH!!!!!!! 😂😂😂” saad ng Songbird.

Ilang kasamahan naman sa showbiz ang nagpaabot pa rin ng admiration sa OPM pillar sa kabila ng muntik nang sablay na live act.

“Heheh labyu ate Reg! ♥️♥️♥️” saad ni Jason Dy.

“WE LOVE YOU ATE!!!” komento ni Rita Daniela.

“The best ka parin maam 😂🙌” sabi ni Maymay Entrata

“Tawa na naman ako ng tawa hahaha! Miss you Nana! See you tomorrow! Goodnight and sleep tight, neighbor on another floor! I love you.❤️😘🤗” komento ni Sharon Cuneta.

Biro naman ni Janine Gutierrez, “Miss reggggg, pano ka hindi tumawaaaaaa?😂😂😂”

“Hahahahaha!! Muntik na miss reg!! 😂👏🏻 segunda ni Klarisse De Guzman.

Kasalukuyang napanuod na ng mahigit 86,000 beses ang naturang TikTok video na kinaaliwan ng maraming netizens.