Kamakailan nga ay kinumpirma ni showbiz columnist Ogie Diaz na hiwalay na sina Pokwang at ang kaniyang live-in partner na si American actor Lee O'Brian, na ama ng kaniyang anak na si Malia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/08/pokwang-asawang-afam-na-si-lee-obrian-hiwalay-na-rin-ayon-kay-ogie/">https://balita.net.ph/2022/07/08/pokwang-asawang-afam-na-si-lee-obrian-hiwalay-na-rin-ayon-kay-ogie/

Ayon sa entertainment vlog ni Ogie, noong Nobyembre 2021 pa umano nagkalabuan at naghiwalay ang dalawa. Nakiusap lamang daw si Pokwang kay Ogie na huwag itong ilalabas, subalit dahil lumabas na nga ang isyu tungkol sa obserbasyon ng mga netizen na mukhang hiwalay na raw sila, dito na nga nai-spluk ni Ogie ang tungkol sa paghihiwalay ng landas ng dalawa.

May mga nakapansin na raw kasi na kung dati raw ay magkasama pa ang pangalan ng dalawa sa label ng negosyo ng komedyante, ngayon ay iba na raw ito: "Mamang Pokwang" na lamang ang nakalagay sa unahan ng packaging.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ayon naman sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), nitong Sabado, Hulyo 9, makikita sa isang online media platform sa Instagram account nito ang balita tungkol sa paghihiwalay ng dalawa. Nagkomento ang isang basher at tinag pa si Pokwang.

Kaya raw "g na g" si Pokwang na sumagot at magpatutsada sa mga BBM supporter ay dahil bugnot daw ito at "bitter".

"Kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkakaabalahan ang makipag-away sa mga Pro-Marcos. Karma ba 'yan @itspokwang27."

Hindi naman ito pinalagpas ng Kapuso comedienne. Hindi umano karma ang tawag doon kundi nililinis lamang ng Diyos ang daan niya patungo sa tamang tao para sa kaniya.

"Ikaw, kapag namatayan ka ba ng kamag-anak mo, karma agad? Bakit may pinatay ba ako gaga ka?" nanggalaiting sabi ni Pokwang sa basher.

Instagram comment
Larawan mula sa PEP

Hindi naman idinetalye ang dahilan ng hiwalayan nila, subalit ang tanging nasabi na lamang daw ng komedyante ay "masalimuot" ito.

"Ang importante ay hindi kami magkagalit noong maghiwalay kami ni Papang," ani Pokwang.

Ang mahalaga raw, maayos silang naghiwalay at co-parenting sila kay Malia, na 4 na taong gulang na.

Nagkakilala sina Pokwang at Lee nang magkatambal sila sa pelikulang "EDSA Woolworth" noong 2014 ng Star Cinema. Ito umano ang naging tulay upang mahulog sila sa isa't isa.