Nanawagan ang grupong Teachers' Dignity Coalition (TDC) saDepartment of Education (DepEd) na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase upang makapagpahinga nang husto ang mga guro.

Paliwanag niTDC chairperson Benjo Basas, mas makabubuti kung ilipat sa Setyembre o Oktubre ang pagbubukas ng school year 2022-2023 na nauna nang itinakda sa Agosto 22.

Aniya, kahit bakasyon na ay marami pa ring trabahong ipinagagawa sa mga guro kaya mabibitin ang dapat na dalawang buwan nilang bakasyon.

Binanggit ni Basas ang nakatoka sa mga guro na in-service training, enrollment activities, at pagsasagawa ng mga remedial at enrichment class.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"Kami ay umaapela sa ating bagong secretary, kay Vice President Sara Duterte-Carpio, na sana ay bigyan ng pahinga muna ang ating teacher. Between today and August 22, ang dami pang trabaho na naka-line up for our teachers," paglalahad ni Basa nang kapanayamin sa telebisyon.

Nagpahayag din ng pag-asa ang grupo na pakikinggan sila ng pamunuan ng DepEd.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pinag-aaralan ng gobyerno na maipatupad ang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre 2022