Mahigit na sa₱14.6 milyon ang napinsala sa agrikultura kasunod ng flash flood sa Ifugao kamakailan, ayon sa pahayag ngDepartment of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Sinabi ng DA, aabot sa 684 na magsasaka at 198 ektaryang agricultural areas ang apektado ng pagbaha na bunsod ng southwest monsoon (habagat) nitongHulyo 7.

Tinataya ring aabot sa 728 metriko tonelada ng palay ang nasira.

Nangako rin ang DA na bibigyan nila ng binhi ang mga naapektuhang magsasaka upang makabangon sa kalamidad.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Idinagdag pa ng ahensya na nakahanda na ang pondo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang mabayaran ang mga magsasaka, bukod pa ang Quick Response Fund (QRF) na gagamitin sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Nitong Huwebes, nabigla ang mga residente ng Banaue nang biglang magkaroon ng flash flood atrumagasarin ang makapal na putik na dulot ng landslide na resulta ng malakas na pag-ulan sa lugar.