Tuluyan na ngang nasunog ang bali-balitang magbabalik na si Asia’s Pop Royalty Sarah Geronimo sa GMA Network.

Ayon pa sa isang"> ulat kamakailan na mula pa raw sa mismong assistant ni Sarah, umabot umano mula 600-M hanggang 800-M ang inilatag na halaga ng kontrata para sa premyadang artist sa loob lang ng limang taon, pinakamahal na offer umano ng GMA Network sa isang artist sa kasaysayan.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano nabingwit ng dambuhalang network ang leading talent sa bansa.

Matatandaang unang naging laman ang balita ng pag-oober-da-bakod umano ni Sarah sa isang ulat ng entertainment website.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pinabulaanan din ito mismo ng sumunod na ulat ng parehong showbiz portal kung saan itinanggi ng mga taga-Kamuning ang napipintong pag-ere ng The Voice Philippines sa GMA, bitbit nga si Sarah G at maging si Bamboo bilang coaches.

Muli ring nilinaw ng Viva, ang talent agency ni Sarah, na magbabalik na ang Popstar sa musical variety show na “Asap Natin ‘To” simula ngayong buwan ng Hulyo.

Wala pang teaser ang ibinabahagi ang naturang programa sa pag-uulat para sa napipintong comeback ng Kapamilya star.

Basahin: Paglipat ni Sarah G, The Voice sa GMA Network, fake news lang – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid