Hindi pa rin maunawaan ng batikang celebrity manager na si Manay Lolit Solis ang tinatamong pambabatikos laban sa aktres na si Kris Aquino na kasalukuyang sumasailalim sa isang matinding gamutan sa Amerika.

Kaya payo ni Manay Lolit kay Kris, “Sa kalagayan niya ngayon na nasa ibang bansa na nga para magpagamot dapat siguro sa kanya medyo tahimik na lang para malayo sa intriga.”

Dagdag niya, dapat na unahin celebrity mom ang pagpapagaling lalo na’t hindi maiiwasan ang mga intriga laban sa mga Aquino sa gitna aniyang “political change.”

Hindi maikakaila na isang malaking politikal na hidwaan hindi lang para sa pamilya kundi lalo sa mga tagasuporta ang namamagitan sa mga Aquino at ng pamilya Marcos na ngayo'y nagbabalik na sa Malakanyang kasunod ng pagkakahalal kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Mas mabuti para kay Kris Aquino ang tahimik lang para hindi madamay sa usapan ang kanyang pangalan. Harapin niya muna ang pagpapagaling at saka na niya sagutin mga intriga,” saad ni Manay.

“Hindi puwede sa sitwasyon niya ang ma-stress o magkaroon ng anxiety,” ani Manay.

“Pagaling ka Kris, stay safe. Marami parin nagmamahal sa iyo. Just relax!” pagtatapos na mensahe ng batikang talent manager.