Umabot na sa Canada ang sikat na Pinoy kakanin na biko kasunod ng paglulunsad munting negosyo ng celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Back to business na muli sa kaniyang biko venture ang aktres na si Gelli na kasalukuyang nasa Mississauga sa Ontario City sa Canad kasama ang pamilya.

View this post on Instagram

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaniyang Instagram post kamakailan, muli nang tatanggap ng orders sa banyagang bansa ang “Lolo Ben’s Biko” na pinamamahalaan ng aktres at asawang si Ariel.

Sa halagang $18 ay mabibili na ang original biko habang nagkakahalaga ng $20 ang biko with langka specialty ng mag-asawa.

Sa page ng kanilang munting negosyo, hands-on maging si Ariel sa paghahanda ng sikat na Pinoy kakain.

Ayon sa talent manager na si Manay Lolit Solis, dati pang business minded si Gelli.

“Kahit nuon bata pa siya at kasa kasama ni Janice de Belen sa shooting, ugali niya ang nagti tinda ng kung anuano. Lalo na pag galing siya sa abroad, bibili siya duon ng mga bagay na alam niya na madali niya mai benta ditto,” saad ni Manay sa isang Instagram update kamakailan.

Lalo pang espesyal ang dish lalo pa’t tutok sa recipe ang mag-asawa.

“For sure masarap iyon dahil talagang hinahanap ng mga buyer nila,” sey ni Manay Lolit.