QUEZON - Patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) na dating nakatalaga sa Southern Luzon Command matapos tambangan ng dalawang lalaki habang ng motorsiklo sa Sariaya nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ni Sariaya Municipal Police chief, Lt. Col. William Angway, na si Salvador Sales, 50, negosyante at taga-Barangay Bignay 2 ng nasabing bayan, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Sariaya Municipal Police, ang insidente ay naganap Eco-Tourism Road, Sitio Kaingin, Brgy. Bignay 2 dakong 4:10 ng hapon.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang biglang barilin ng dalawang lalaki.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang dalawang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Bignay 1, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa pagpatay ang naganap na pamamaslang kay Brgy. Bignay 2 councilman Apolinario Rivarez sa Bignay 2 nitong Martes.