Noong Nobyembre 2021 pa umano nag-split ang mag-asawang Pokwang at Lee O’brian, ayon sa showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Sa pinakahuling ">Showbiz Update ni Ogie kasama si Mama Loi at Dyosa Pockoh, isa sa mga napag-usapan ang naitanong ng netizen ukol sa pagsasarili na umano ng celebrity mom sa negosyo nito, na dati’y katuwang ang asawang si Lee.

View this post on Instagram

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Last 2021 wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’brian,” pagkukumpirma ng kaibigan ni Pokwang na si Ogie.

Dagdag na rebelasyon ni Ogie, nakahiwalay na umano si Lee sa puder ng aktres kasama ang dalawang anak.

“Kaya ngayon ay nagso-solo ng tirahan at siya’y [Lee] may hanapbuhay at nakatakdang umuwi si Papang umuwi sa US [United States],” ani Ogie.

Sa detalye pa ng talent manager, naging masalimuot na umano ang takbo ng relasyon ng mag-asawa dahilan para mauwi sila sa pasyang hiwalayan.

“Ang importante ay hindi kami magkagalit nung naghiwalay kami ni Papang,” sabi na lang umano ni Mamang Pokie kay Ogie.

Bagaman, nakahiwalay na si Lee sa kaniyang mag-ina, co-parenting ang setup ng dalawa para sa kanilang anak na si Malia.

Taong 2015 nang ikasal ang celebrity mom kay Lee.

Pagtitiyak naman ni Pokie kay Ogie, “Okay na mars, sanay na ‘ko [na] nag-iisa.”

Nakatutok ngayon ang 51-anyos na celebrity mom sa kaniyang dalawang chikiting, “may partner o wala.”