Batak na batak ang pangangatawan ni Kapamilya hunk Enchong Dee sa isang commercial shoot kamakailan.

Ibinahagi ng kilalang celebrity photographer na si BJ Pascual sa kaniyang extra layout para sa isang commercial shoot ang kasexyhan ng aktor.

“Happy weekend, I guess,” mababasa sa Instagram post ni BJ nitong Biyernes.

Ilang celebrities naman ang napakomento sa hotness overload na shoot ng aktor.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I am dying!” saad ni Samantha Bernardo.

“He’s so hot,” komento naman ng international fashion blogger na si Bryan Boy.

Pabiro namang saad ni Miss International 2016 Kylie Versoza sa celeb photographer: “Pwede ba din tayo mag extra layout 😆🤣”

Kasalukuyang umani na agad sa mahigit 14,000 reactions ang nasabing IG video.