Dalawa ang naiulat na namatay matapos bumagsak ang isang elevator ng isang gusali sa Makati City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dalawang binawian ng buhay na sinaManuel Linayao at Rey Miguel Gilera, kapwa maintenance crew.

Sa paunang ulat ng BFP, dakong 2:55 ng madaling araw nang maganap ang aksidente saBurgundy Corporate Tower sa Gil Puyat Avenue,Barangay Pio del Pilar.

Nagkukumpini umano ng dalawa sa ikaanim na palapag ng gusali nang biglang bumagsak sa kanila ang elevator na mula sa 38th floor.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dalawa pang elevator installers ang nasugatan sa insidente.

Nag-iimbestiga pa ang pulisya upang madetermina ang sanhi ng aksidente.