April 22, 2026

Home BALITA National

De Lima bumwelta sa kampo ni VP Sara: 'Akala siguro nila 'yong SC ay 'Sara's Court''

De Lima bumwelta sa kampo ni VP Sara: 'Akala siguro nila 'yong SC ay 'Sara's Court''
Photo courtesy: Rep. Leila de Lima (FB), File Photo

Nagawang patutsadahan ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa paghahain ng mga ito ng petisyon sa Korte Suprema. 

Matatandaan kasing kinumpirma ng kampo ni VP Sara nitong Miyerkules, Abril 8, 2026, ang paghahain nila ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema kaugnay sa gumugulong na deliberasyon ng House Committee on Justice sa mga impeachment complaints laban sa Bise Presidente.

Anila, hakbang umano nila ito upang linawin ang mahahalaga nilang katanungang nakabatay sa Konstitusyon na kailangan umanong agad na mabigyang-atensyon ng Korte Suprema.

“This step was taken to seek clarity on fundamental constitutional questions, which, in our view, warrant the Court's immediate attention,” diin nila.

Paglilinaw nila, hindi umano sila umiiwas sa proseso ng House Committee on Justice at sinisiguro lang daw nila ang wastong pagsunod sa Konstitusyon.

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

Ayon naman naging pahayag ni De Lima sa kaniyang Facebook post nito ring Miyerkules, sinabi niyang akala raw siguro ng kampo VP Sara na ang kahulugan ng abrebasyong “SC” ay “Sara’s Court” sa halip na “Supreme Court”.

Diin pa niya, tila tingin umano ng nasabing kampo na puwede nila laging takbuhan ang SC para pagtakpan ang kaduwagan at pagtakas umano pananagutan ni VP Sara. 

“Akala siguro nila yung SC ay ‘Sara's Court’ na pwede nila laging takbuhan para pagtakpan ang kaduwagan at pagtakas sa pananagutan,” patutsada ni De Lima. 

Photo courtesy: Rep. Leila de Lima (FB)

Screenshot mula sa FB post ni De Lima. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, reaksyon, o pahayag ang kampo ni VP Sara kaugnay rito.

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni VP Sara, kinumpirma paghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa SC!

KAUGNAY NA BALITA: House Committee on Justice, inisyuhan ng subpoena ang COA!