Matapos magbigay ng komento laban sa naging anak sa fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz tungkol sa naging pahayag nito ukol sa kasaysayan, binalikan at inokray naman ng bashers si Kapuso comedienne Pokwang dahil sa maling ispeling nito sa salitang "iodine".

Ayon sa tweet ni Pokie, Hulyo 4, tanggap niya ang pananaw ni Ella sa politika subalit hindi niya matatanggap ang naging pahayag nito tungkol sa kasaysayan.

"Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa'yo nak dahil mali! maling mali…" ayon sa tweet ni Pokwang.

Kung alam lang daw niya, baka ibinalik na lamang niya raw sa dagat ang anak-anakan, batay sa serye nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino raw 'yan #Aryana," hirit pa ng komedyante.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/">https://balita.net.ph/2022/07/04/maling-mali-pokwang-gustong-ibalik-sa-dagat-si-aryana/

Napansin ng mga netizen sa Twitter na mali ang ispeling niya sa 'iodine' na siyang nagbibigay-alat sa tubig-dagat. Nagawa raw niyang itama si Ella Cruz gayong sariling ispeling niya ay hindi naman maitama.

Subalit sa Facebook post niya, makikitang tama naman ang ispeling ng "iodine".

Buwelta naman ng komedyante, "O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/05/pokwang-inokray-ng-bashers-dahil-sa-maling-ispeling-ng-iodine/">https://balita.net.ph/2022/07/05/pokwang-inokray-ng-bashers-dahil-sa-maling-ispeling-ng-iodine/

Sa isa pang tweet kung saan ibinahagi niya ang post ng isang netizen na naglalatag ng resibong tama ang ispeling niya ng salitang iodine sa Facebook, "Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???"

https://twitter.com/pokwang27/status/1543940874220240896

Si Pokwang ay isang masugid na Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang halalan.

Samantala, nananatiling tahimik ang kampo ni Ella Cruz tungkol sa isyu. Nagsarado na rin siya ng comment section sa kaniyang Instagram account.