Isang magsasaka na taga-Quezon ang nanalo ng mahigit sa₱100 milyong sa isang draw ng Ultra Lotto 6/58 kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na20-22-09-54-06-19 na may katumbas na premyong aabot sa₱100,064,568.00.

Sinabi ng PCSO na tinayaan ang nasabing mga numero sa pamamagitan ng "lucky pick" system.

Isinapubliko ng PCSO na taga-General Luna sa Quezon ang nanalong 29 taong gulang na magsasaka noong Mayo 24, 2022.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Gayunman, hindi na ibinunyag pa ng PCSO ang pagkakakilanlan ng lotto winner para na rin sa kanyang seguridad.

Inabisuhan ng PCSO ang nanalo na maaari lamang nitong makuha ang panalo sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID card, kasama ang winning ticket.