Isa sa mga napag-usapan ng 'Showbiz Now Na' hosts na sina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio ang pagbibigay ng health update ni Queen of All Media Kris Aquino sa kaniyang Instagram account noong Hunyo 29.

Dito ay napag-alaman ng madlang pipol na bukod sa kaniyang iniindang mga karamdaman ay tinamaan ng Covid-19 si Kris maging ang mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino-Yap.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-mga-anak-na-sina-josh-at-bimby-tinamaan-ng-covid-19/">https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-mga-anak-na-sina-josh-at-bimby-tinamaan-ng-covid-19/

Gumawa rin siya ng open letter para sa kaniyang namayapang kuyang si dating Pangulong Noynoy Aquino, na ginunita ang unang anibersaryo ng kamatayan noong Hunyo 24.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-sa-yumaong-kuya-na-si-pnoy-please-help-me-to-survive-this/">https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-sa-yumaong-kuya-na-si-pnoy-please-help-me-to-survive-this/

Tinalakay naman ng tatlo ang mga napansin umano ng mga netizen kay Kris, na bakit nagagawa pa raw nitong mag-ayos at makasulat nang mahabang open letter gayong may sakit ito. Itinaon din daw ni Kris ang pagpo-post sa mismong inagurasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Hunyo 30.

"Ang feeling ko, Nay, yung picture niyang hindi siya kagandahan, yung pangit na picture niya, iyon pa yung mga unang-unang picture niya. Pero 'yung latest na, nakaayos na siya, 'di ba, Nay?" reaksiyon ni Romel Chika.

Segunda naman ni Morly, "Ang ganda ng kilay eh!"

"Parang 'di ba, nakaayos?" muling tanong ni Romel.

Napatanong din si Cristy kung totoo nga ba ang balitang nakarating sa kaniya, na may kasamang beautician at make-up artist si Kris sa ospital.

"Yun ang balita, may kasama siyang hairdresser at saka make-up artist. Kung sabagay hindi naman natin pera yung binabayad niya. Eh 'di ba maraming tao na ayaw mamatay nang pangit?" sey ni Cristy.

Saad naman ni Morly, okay lang sa kaniya ang ginagawa ni Kris, basta ang importante ay "masaya ka".