Dalawampu't isang pagyanig ang naitala pa sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes.

Sinabi ng Phivolcs, isa lamang ito sa senyales na hindi pa rin tumitigil sa pag-aalburoto ng bulkan.

Gayunman, walang naitalang pagbuga ng usok ng bulkan sa nakaraang 24 oras.

Nananatili pa rin sa Level 1 ang alert status ng bulkan na huling nagbuga ng 151 tonelada ng sulfur dioxide  noong Mayo 1. Nakitaan din ng bahagyang pamamaga ng bulkan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ipinagbabawal din sa mga turista at residente ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa posibleng pagbuga ng nakalalasong usok ng bulkan.

Nanawagan din ang Phivolcs sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa tuktok bunsod ng nakaambang panganib sa pagbuga nito ng abo.