Usap-usapan ngayon ang pabirong pag-alok ni 'Maid in Malacañang' director Darryl Yap sa social media personality na si 'Madam Kilay' o Jinky Cubillan-Anderson sa totoong buhay, upang gumanap umano bilang si dating Pangulong Cory Aquino, ang pumalit sa posisyon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., pagkatapos ng EDSA People Power I noong 1986.

Sa Facebook post ipinaskil ni Yap ang paanyaya niya kay Madam Kilay.

"Madam Kilay pwede ka ba mag Cory sa MAID in MALACAÑANG?" tanong ng direktor.

Sa comment section, mapapansing nagkomento si Madam Kilay ng smiling emoji.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

"Nasa Pinas ka ba?" tanong ni Yap.

Screengrab mula sa FB/Madam Kilay via Darryl Yap

Hindi na sumagot si Madam Kilay rito, subalit ang tugon niya ay may 3.8K reactions.

Sa isa pang tugon sa comment section ay sinabi ni Madam Kilay na nag-reply na siya kay Yap.

Sa Facebook post naman ni Madam Kilay ngayong Hulyo 4, nagpasalamat siya sa direktor dahil sa naisip siya nitong mapabilang sa cast ng pelikula.

"Darryl Yap Isang malaking karangalan na isa ako sa naisip n'yo po na isama sa cast ng #maidinmalacañang," aniya.

"Wait lang imaginin mo habang nagmamajhong tumatalak ng CHISMIS!!" wika pa niya.

Screengrab mula sa FB/Madam Kilay via Darryl Yap

Hindi pa naman sigurado kung si Madam Kilay na nga ba ang gaganap bilang si dating Pangulong Cory. Wala pa ring kumpirmasyon mula kay Yap o maging sa pamunuan ng Viva Films. Hindi rin naman tinukoy ni Madam Kilay na tinatanggap niya ang alok ng direktor.

Kung tatanggapin niya ang offer, makakasama niya sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Christine Reyes at Ella Cruz, Beverly Salviejo, Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, Kiko Estrada, at Robin Padilla.