Sumalang ang isa sa mga 'most-sought after' Kapamilya teen actress na si Francine Diaz sa 'Lie Detector Test' ni Kapuso actress Bea Alonzo, na mapapanood sa vlog nito.

Aminado si Bea na nais niyang makatrabaho in the near future si Francine dahil sa magagandang feedback na naririnig niya sa acting skills nito.

Isa-isang tinanong ni Bea si Francine tungkol sa buhay nito at karamihan naman ay puro 'Truth' o positibo ang naging resulta.

Natanong ni Bea si Francine kung nakipagplastikan na ba ito sa kaniyang katrabaho.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sagot ni Francine ay 'No'.

"Kahit ayaw ko sa kaniya, let's say nirerespeto ko na lang siya bilang katrabaho ko. Kasi pag plinastik ko siya, eh di plastik akong tao, ang pangit," saad ni Francine.

Hindi naman inelaborate ni Francine kung sino ang katrabahong kahit ayaw niya, ay pinili na lamang niyang magpaka-propesyonal.

Naitanong din ni Bea kung sa palagay ba ni Francine ay toxic ang industriya ng showbiz.

"Yes. Pero 50/50, 50% yes, 50% no. Kasi may side ng showbiz na toxic talaga pero may mga tao rin naman na magiging genuine sa'yo."

Inamin din ni Francine na nagka-crush siya sa isang katrabaho subalit hindi na niya inelaborate kung sino ito.