CAGAYAN - Isang backrider ang patay at dalawa ang naiulat na nasugatanmatapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Lal-lo kamakailan.

Dead on the spot si Ruben Pagarigan, 40, taga-Barangay Bessang, Allacapan, Cagayan, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan at isinugod naman sa Matilde Hospital sina Jerwin Bersola, 23, taga-Brgy. Tuluttugin, Calamaniugan, Cagayan, at Jomar Dela Cruz, 37, taga-Brgy. Binag, Lal-lo, Cagayan.

Sa police report, ang aksidente ay naganap sa national highway, Brgy. Catayauan, nitong Sabado ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binabagtas ni Bersola ang nasabing lugar, angkas si Pagarigan at nang makarating sa kurbada ay sinakop nito ang kabilang kalsada kaya sumalpok sa kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Dela Cruz.

Inihahanda na ang kasongReckless Imprudence Resulting in Homicide, Serious Physical Injury, at Damage to Property laban kay Bersola na nasa kustodiya na ng pulisya.