Nanumpa na ang isang doktor na unang babaeng gobernador ng Quezon matapos manalo sa katatapos na eleksyon noong Mayo 9.

Sa harap mismo ni Supreme Court (SC) Associate Justice Jhosep Lopez nanumpa si Angelina Tan bilang bagong gobernador ng lalawigan, nitong Biyernes.

Sa kanyang talumpati, nangako ang gobernador na bibigyan nito ng importansya ang serbisyong pangkalusugan ng mamamayan kasabay ng pagbibigay ng serbisyo sa edukasyon, agrikultura, at turismo.

Matatandaang isinabatas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2022 ang panukala ni Tan na Universal Health Care Act kaya tiniyak nito na tutukan niya ang mga nangangailangan ng kanyang serbisyo.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Dumalo rin sa inagurasyon ang asawang si Department of Public Works and Highways (DPWH) regional director Ronnel Tan at iba pang opisyal ng gobyerno, mga opisyal ng militar at kinatawan ng religious sector.