Nagsalita na ang singer-rapper na si Skusta Clee o 'Daryl Ruiz' tungkol sa isyu ng kanilang hiwalayan ng dating karelasyong si Zeinab Harake.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Live, sinabi ni Skusta na pinagsisisihan na rin naman niya ang mga nagawa kay Zeinab, batay na rin sa mga naging rebelasyon nito sa "Toni Talks" ni Toni Gonzaga noong Mayo.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Umani ng katakot-takot na batikos ang singer-rapper, na bumabalandra sa kaniyang harapan sa tuwing may performance siya sa concert. Mas lalo pang nanggalaiti ang mga netizen nang mapabalita ang pagkakamabutihan nila ng online personality na si Aira Mae Lipata.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/skusta-clee-at-napababalitang-bagong-jowa-flinex-ang-isat-isa-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/06/09/skusta-clee-at-napababalitang-bagong-jowa-flinex-ang-isat-isa-sa-social-media/

Napabalita pa nga ang eskandalo sa isang bar kung saan sinipa raw ni Zeinab ang kaniyang rumored girlfriend.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/

Kamakailan lamang ay napabalita ang pagsigaw sa kaniya ng "Boo!" ng mga tao at pagdi-dirty finger habang siya ay kumakanta sa isang music festival.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/">https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/

Humingi na rin ng dispensa si Skusta sa lahat ng mga taong naapektuhan. Sising-sisi na umano ang rapper kahit sa tingin ng mga tao ay hindi.

"Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman 'yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay," aniya.

"Though pinagsisihan ko 'yong mga naging consequence, pangit din naman talaga 'yong naging resulta. Tinanggap ko 'yong mga siyempre, naging kapalit. Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong 'yon naman talaga 'yong dapat mangyari sa akin."

Subalit giit ni Skusta, bagama't hindi umano deserve ni Zeinab na maranasan ang mga naranasan nito, may personal na dahilan umano siya kung bakit nagawa niya ang mga nagawa niya. Hiling niya na sana ay irespeto na lamang ng mga tao ang kaniyang desisyon, alang-alang sa anak nilang si Bia.

"Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa 'yon. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din."

"Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman 'yon. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa 'yon," dagdag pa ni Skusta.