Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang isang siklista nang magkabanggaan sa isang pedestrian lane sa Cainta, Rizal nitong Sabado ng hapon.

Naisugod pa sa Cainta Municipal Hospital si Samuel Olegario ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor, habang sugatan rin at nilalapatan pa ng lunas si Art Leo Britanico sa naturan ding pagamutan.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng STI, sa Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. San Juan, Cainta.

Kasalukuyan umanong sakay ng kanyang bisikleta si Britanico at tumatawid ng pedestrian lane, mula sa STI patungong Don Mariano Subdivision, nang bigla na lang itong mabangga ni Olegario na sakay naman ng kanyang motorsiklo, at patungo naman sa Kaytikling, sa Taytay, Rizal, mula sa Junction, Cainta.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga ay kapwa matinding nasugatan ang dalawa, ngunit minalas na bawian ng buhay si Olegario.