Matapos putaktihin sa mga showbiz balita, burado na ang open letter ng komedyanteng si Dennis Padilla para sa kaniyang mga anak, at tugon na rin sa open letter naman ni Leon Barretto, isa sa mga anak nila ng dating misis na si Marjorie Barretto.

Nag-ugat ang lahat sa naging himutok ni Dennis nang hindi umano siya naalalang batiin ng mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia noong Father's Day. Kaagad din naman niyang binura ang posts subalit naging mabilis ang mga netizen sa pag-screengrab nito, at kumalat na sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/">https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Hunyo 26, naglabas naman ng open letter ang anak na si Leon para sa ama. Dito ay inilabas ni Leon ang kaniyang tila "sama ng loob" kay Dennis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/">https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Kaagad namang tumugon si Dennis sa pamamagitan din ng isang sulat-kamay na open letter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/">https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/

Screengrab mula sa IG/Dennis Padilla

Ngunit kung titingnan ang social media ni Dennis, hindi na ito makikita roon. Ang latest IG post niya ay tungkol sa pagkakaroon niya ng TikTok account.

Samantala, inaabangan na rin ang panig naman ni Marjorie Barretto tungkol sa isyu lalo't nasabi niya sa showbiz columnist na si Ogie Diaz na magsasalita at ipaliliwanag niya ang dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo ng mga anak sa kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/">https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/