Ipinagmalaki ni Alimodian, Iloilo Vice Mayor Kalay Alonsabe ang mga litrato nila ng kaniyang jowa dahil sa pagdiriwang nila ng monthsary.

Sa kaniyang Facebook page ay mababasa ang pagkatamis-tamis na mensahe ng dating mayor ng Alimodian na ngayon ay bise mayor na. Hindi niya pinangalanan ang jowa subalit tinawag niya itong "Dad".

Mababasa naman sa kanilang ube cake ang "Happy Monthsary Mom & Dad".

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

May be an image of 2 people and indoor
Alimodian, Iloilo Vice Mayor Kalay Alonsabe at "Dad" (Larawan mula sa FB/Kalay Alonsabe)

May be an image of cake
(Larawan mula sa FB/Kalay Alonsabe)

"My life's biggest security is not just in loving you but in knowing that you will always be there to love me back no matter what. I love you Dad. Happy monthsary!" ayon sa bise mayor ng Alimodian.

Noong Hunyo 1, sa unang araw ng Pride Month, unang kumalat ang mga litrato ni Alonsabe kasama ang kaniyang jowa.