SAN NARCISO, Quezon – Tinadtad ng 45-anyos na magsasaka ang kapwa magsasaka na nasa ilalim ng impluwensya ng alak hanggang sa mamatay ito kasunod ng mainitang pagtatalo sa Barangay Villa Aurin dito Sabado, Hulyo 2.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ryan Saunar ng Sitio Centro, Barangay Villa Aurin.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktimang si Efren Aurada, 40, binata, ng Barangay Pagkakaisa dito, ay dumating sa bahay ni Saunar na lasing bandang 7:30 ng umaga.

Sinigawan ng biktima si Saunar at hinamon ang suspek na awayin ito na nagbunsod ng mainitang pagtatalo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakuha ng bolo si Saunar at tumakas ang biktima. Gayunman, hinabol ng suspek si Aurada hanggang sa makorner ang biktima at tinaga sa leeg at ulo hanggang sa mamatay.

Tumakas ang suspek ngunit sumuko bandang ala-1:30 ng hapon sa pulisya at kalauna'y umamin sa krimen.

Nahaharap si Saunar sa kasong murder.