Mahigit sa₱1.46 bilyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) atPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang operasyon sa Cavite nitong Linggo.

Sa naturang anti-drug operation sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite, inaresto ang isang 41-anyos na Chinese na kinilala sa alyas "Hai."

Ikinatwiran ng mga awtoridad, hindi muna nila isinapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek dahil nagsasagawa pa sila ng follow up operation laban sa mga miyembro pa ng sindikato.

Nakumpiska sa operasyon ang mahigit sa 220 kilo ng umano'y shabu na tinatayang aabot sa ₱1.46 bilyon.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nauna nang inaresto ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) at PDEA si Jia Zhu, 33 sa Maria Clara St., Brgy. Lourdes sa Quezon City nitong Linggo ng umaga matapos mahuli sa kanya ang ₱272 milyong halaga ng shabu.