Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sisimulan na sa Hulyo 4 ang pamamahagi ng buwanang₱500 ayuda sa mahihirap na pamilya sa bansa.
Target ng DSWD na matanggap ng 12.4 milyongbenepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda sa susunod na mga arawbilang tugon sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin sa bansa.
Nitong Biyernes, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang₱6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pinoy na kabilang sa tinatawag na “low-income families.”
Ang naturang programa ng pamahalaan ay pagbibigay ng₱500 kada buwan sa mga mahihirap sa utos na rin ni dating Pangulong Duterte noong buwan ng Mayo.
Gayunman, inilabas lamang ang pondo nitong Biyernes. Kabilang sa tatanggap ng ayuda angapat na milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps); anim na milyong non-4Ps na dating benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer program; at 2.4 pamilya pana nakapaloob sa poverty data ng DSWD.
Ang programa ay tatagal ng anim na buwan upang makatulong sa taumbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.