Hindi matatawaran ang integridad ng Pinay beauty queens na maging ang ibang national pageant organizations ay bukas sa kanilang ambag para sa pagpili ng pinakahandang delegada para sa prestihiyusong Miss Universe pageant.

Panibagong Pinay titleholder muli ang naimbitahan maging bahagi ng selection committee ng isang national pageant sa ibang bansa.

Si Miss Universe 2016 Kylie Versoza ang isa sa pinakabagong rekrut ng Miss Bahrain organization para magsilbing Head of Empowerment sa susunod na hanay ng pageant hopefuls.

Ito ang masayang ibinahagi ni Kylie sa kaniyang Instagram story kamakailan.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“See you Bahrain,” saad ni Kylie.

Kylie Versoza/via Instagram story

Mula man sa ibang pageant organization, tila pinagtapo pa rin ang International at Universe, anang netizens.