Proud si Kapuso star Alden Richards sa naabot na estado ng kaniyang fitness goal.

Sa kaniyang Instagram post, Sabado, muling flinex ng tinaguriang Asia's Multimedia Star ang kaniyang super fit na pangangatawan.

Kalakip nito ang tila mensahe ng aktor sa mga nais din maabot ang parehong milestone.

“Sometimes, it takes a lot of courage believing in yourself. But it’s always worth it to keep trying. To keep on learning and to keep going,” mababasa sa IG post ng aktor.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ikinaloka naman ng kapwa stars ang pa-abs ng Kapuso hunk.

Kabilang sa mga nagkomento sa kaniyang larawan ang internet sensation na si Mimiyuuuh na napa-komento pa.

“Grabe naman si sir!!” saad ng YouTube star.

Segunda rin ng aktres Bea Binene, “GRABE NAMAN PO ITUUUU!”

Biro nmaan ng aktor na si Jerald Napoles, “Ganyan ganyan din yung saken…na pantalon.’

Nag-iwan din ng heart emoji comments maging ang “Gaya sa Pelikula” actor Paolo Pangilinan at ang Kapamilya leading actress na si Iza Calzado.

Basahin: Alden Richards, Sue Ramirez, magsasama sa isang proyekto sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid