Inaasahang lalakas pa ang bagyong 'Domeng' sa susunod na 24 oras, dagdag pa ang pagpapaigting ng tropical storm 'Chaba' (dating bagyong 'Caloy'na nakalabas na ng bansa).

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 950 kilometro ng silangan ng dulong Northern Luzon, taglay ang hanging 55 kilometro kada oras malapit sa gita at bugsong 70 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, paiigtingin ng bagyo ang habagat at magpapaulan naman ang buntot ng dating bagyong 'Caloy' sa kanluran ng Central at Southern Luzon sa susunod na 24 oras.

"Under the influence of Tropical Depression Domeng and Severe Tropical Storm Chaba and the prevailing southwest monsoon, a Gale Warning remains in effect over the western seaboards of Luzon," babala ng PAGASA.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Sabado ng umaga.

Ito na ang ikaapat na bagyong pumasok ng bansa ngayong taon, ayon pa sa ahensya.