Mahigit sa 11 milyong pasahero ang nakinabang sa Libreng Sakay program sa Central Luzon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nilinaw ni LTFRB regional director Nasrudin Talipasan, karamihan sa nakinabang sa programa ang mga healthcare workers at iba pang authorized persons outside of residence (APORs) sa Gitnang Luzon.

Pagbibigay-diin ng LTFRB, ang free rides ay ipinatupad ng mga transport service cooperatives sa Pampanga, Bataan, Bulacan, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija at Aurora simula Abril 13 hanggang Hunyo 28.

Layunin aniya ng programa na mabigyan ng karagdagang kita ang mga operator at driver na apektado ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Idinagdag pa ng LTFRB, kada linggong binabayaran ng pamahalaan ang mga driver na nag-aalok ng libreng sakay alinsunod na rin sa programa.

Binabayaran ang mga driver batay na rin sa bilang ng biyahe kada linggo, kahit kaunti lamang ang kanilang  pasahero.

Idinagdag pa ng ahensya na tatagal pa ang programa hanggang Hulyo 4.

PNA